Simple Tips

Posted: August 13, 2012 in Love

Hello there! These are just a simple tips when you’re about to fall in Love. Hope might help!

  1. Know him/her. Baka naghahanap lang siya ng CARE habang hindi sila ok ng present bf/gf niya.
  2. Mag-ingat sa mga PA-SWEET. Huwag magpaloko sa mga “pa-fall” na mga taong ito.
  3. Know something about their PAST. Malay mo isa ito sa kanyang mga “revenge“.
  4. Know your STATUS, dahil hindi sa lahat ng oras kailangan ng relasyon.
  5. Control your feelings, SUPPRESS if necessary. Dahil “hindi lahat ng maganda sa pakiramdam, TAMA

Anyway if you want to add something just leave a comment and I will add it here in my post together with your name. Cheers!

Sabi nga kapag sinunod mo daw ang isip mo sa pag-ibig o kahit saang larangan at nagkamali ka, BOBO ka. Kapag naman sinunod mo ang puso mo sa pag-ibig o kahit saang larangan at nagkamali ka, TANGA ka.

Ang BOBO ay kulang sa kaalaman, ang TANGA naman ay may sapat na kaalaman ngunit mas piniling magtiis at magpakahirap gamit ang maling judgement.

Parehong masakit, parehong gumuguhit sa puso. (Nyak!) Pero ang BOBO kasi natuturuan. Ang baliw, nagagamot. Pero hindi mo daw matuturuan at walang ospital ang taong tanga. Ewan ko lang din ha?

Pero ang sigurado lahat tayo nagiging bobo, tanga at baliw minsan sa ating buhay.

Well ito ang simpleng depinisyon ng salitang tanga;

TANGA
/ta-‘ngah/
(noun): 1: isang taong walang alam kundi mangolekta ng kaibigan tas magrereklamong single; 2: lalaking mahilig mambabae tas magugulat pa everytime ayaw pagkatiwalaan ng mga kabit; 3: ex mong iniwan ka for some reason then biglang magpaparamdam after some jurassic years; 4: taong pilit na naghihintay sa taong wala namang balak dumating; 5: babaeng ilang beses na naloko sa pareparehong dahilan pero hindi matuto; 6: magjowang araw-araw nag-aaway pero hindi daw sila maghihiwalay.

Ikaw? Andyan ka ba?

Lessons ni itay at inay!

Posted: August 6, 2012 in Mga Wala Lang
  • Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE“Kung magpapatayan kayo, doon kayo sa labas! Mga punyeta kayo, kalilinis ko lang ng bahay!!!”
  • Natuto ako ng RELIGION kay Itay… “Kapag ‘yang mantsa ‘di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
  • Si Itay, tinuruan niya ako kung anong ibig sabihin ng TIME TRAVEL“Kung ‘di kayo tumigil sa kangangawa dyan, tatadyakan ko kayo ng todo palabas, ‘di na kayo makakabalik!”
  • Kay Inay ako natuto ng LOGIC “Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
  • Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC“Kapag ikaw eh nalaglag diyan sa bubong, ako na lang mag-isa ang manonood ng sine.”
  • Kay Itay naman ako natuto ng FORESIGHT“Siguraduhin mo na lagi kang magsusuot ng malinis na brief, para pagnaka-score ka sa syota mo eh ‘di kahiyahiya.”
  • Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY “Sige, ngumalngal ka, kung ‘di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
  • Kay Inay din ako natuto ng Science of OSMOSIS“Punyeta, isarado mo ang bibig mo’t tapusin mo ‘yang pagkain mo!!!”
  • Si Itay naman ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA“‘Wag kang tatayo dyan hangga’t ‘di mo natatapos kainin lahat ‘yang gulay mo!”
  • At si Inay pa rin ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng WEATHER“Alang’ya, ano ba ‘tong k’warto mo, parang dinaanan ng bagyo!”
  • Sa CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito… “Gago kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang ibalik sa pinanggalingan mo!”
  • Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION“Tatadyakan kita dyan, huwag ka ngang mag-uumarte dyan na parang Nanay mo!”
  • Si Inay naman ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng ENVY “Maraming mga batang ulila sa magulang, ‘di ba kayo nagpapasalamat at meron kayong magulang na tulad namin?”
  • Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION“Tang’na kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay….”!
  • At si Itay pa rin ang nagturo sa akin kung ano ibig sabihin ng RECEIVING“Uupakan kita pagdating natin sa bahay….!” 
  • Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR“Pag naputol ‘yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, ‘wag na ‘wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!” 
  • Kay Itay naman ako natuto ng HOW TO BECOME AN ADULT“Kung ‘di ka matutong magbati, eh ‘di ka nga tatangkad.”
  • Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng GENETICS“Nagmana ka nga talaga sa ama mong walang’ya.” 
  • Kay Inay din ako natuto ng WISDOM “Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat ng sinasabi ko” 
  • At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung ano ang JUSTICE“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana’y matulad sila sa ‘yo… haliparot!!!”

Situations

  • Mahal mo mahal ka pero hindi kayo.
  • Bestfrend mo minahal mo.
  • Barkada mo, may lihim na pagtingin sa’yo
  • Mahal ka, hindi mo naman mahal.
  • Mahal mo, mahal ka pero may kontra.
  • Mahal mo, mahal ka pero hindi na pwede maging kayo.
  • Mahal mo, may mahal ng iba.
  • Mahal mo, kaibigan lang ang turing sa’yo.
  • Mahal mo, mahal din ng friend mo.
  • katxt mo lang, parang mahal mo na.
  • Mahal mo, mahal ka din daw, pero ayaw mo na mahalin.
  • Mahal mo, mahal ka din… MASAYA!!!

Regrets

  • Mahal mo.. Lumayo ka.. Mahal ka pala..
  • Mahal ka.. Manhid ka naman..
  • Ok na.. Sinaktan mo pa!..
  • Naghiwalay kayo.. Biglang gumwapo/gumanda..
  • Mahal mo na… Ayaw na niya
  • Mahal ka nman.. Takot ka lang
  • Ready ka na.. Iba na mahal niya..
  • Masyado pakipot.. Umayaw tuloy..
  • Masyadong torpe… Nakuha ng iba..

 

Secret Language

Posted: August 5, 2012 in Love

Manspeak and womantalk are not too difficult to translate.
Just read between the lines, what she says vs. what she means.

She says: “Bahala ka.
She means: “Pagsisisihan mo to.

She says: “Sure, go ahead.
She means: “I don’t want you to.

She says: “Hindi ako galit.
She means: “Galit ako.

She says: “I just want a stable future.
She means: “I want to be rich.

She says: “Mahal mo pa ba ako?
She means: “May ipabibili ako.

She says: “Gaano mo ako kamahal?
She means: “Sabihin mong ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

She says: “Nakikinig ka ba?
She means: “Sumunod ka na kasi sa gusto ko.

She says: “Magsine tau sa SM.
She means: “Magsha-shopping ako.

She says: “Simple lang ang gusto ko sa buhay.
She means: “Alahas, kotse, mansion sa Alabang.

When asked by her boyfriend: “May ginawa ba ako?
She says one thing but means another, as you can see:

She says: “Wala.
She means: “Marami!

She says: “Ayokong pag-usapan.
She means: “Bumubuwelo pa ako.

She says: “Wala talaga!
She means: “Hayop ka!

She says: “Wala, talagang talaga.
She means: “Gusto ko nang mag break.

What he says vs. what he means.

He says: “Inaantok ako.
He means: “Pagod ako.

He says: “Pagod ako.
He means: “Inaantok ako.

He says: “Gusto mo bang kumain?
He means: “Gusto kong kumain.

He says: “Talagang gusto mo ang sineng ito?
He means: “Ang corny.

He says: “What’s wrong?
He means: “Hay naku, eto na naman tayo.

He says: “OK nman ang haircut mo.
He means: “Ngiiii!!!!

He says: “May nasabi ba ako?
He means: “Tama na nga yan!

He says: “Mag-usap tayo.
He means: “Makinig ka. Magsasalita ako.

What he says when shopping with his girlfriend:

He says: “Hindi bagay sayo.
He means: “Masyadong mahal.

He says: “Maganda yan.
He means: “Mura.

He says: “Bagay na bagay sau! Bilhin mo na.
He means: “Gusto ko ng umuwi.

Hehehehe, nakakatuwa no? Sigurado ako yung iba dyan totoo.

Jeepney… Para!… Para!…

Posted: August 4, 2012 in Love

Ako jeepney? Haha, well, let me say na life ko ay parang isang trip ng jeepney. Sa bawat araw na magdaan may mga taong pumapara o sumasakay o bumababa. Mapatraffic man o mapaluwag yung daanan eh ayun pa rin, just go with the flow. May mga malalayo ang lakbay at meron din namang mga malalapit tulad ng mga taong nakakasama natin either sa elementary school lang or hanggang tumanda na tayo. May mga tao na lagi ka na lang pinapara tulad ng mga tunay kong kaibigan at family ko. May mga iba minsan na lang pumara. May mga naaalala ka kahit minsan mo lang nakikita tulad na lang ng ex-boyfriend mo o ex-girlfriend. May mga saglit lang din mo sila naalala tulad ng mga schoolmate mo na “Hi” lang bati nyo. Hmmm. Ang mahirap nga lang dito ay yung mga taong minsan lang pumara at pinabayaan mo pang makaalis. You’ll never know when and where you will find that somebody pero you can feel it (unless na lang kung paralized ka na hehe). Kung feeling mo eh siya na talaga eh huwag mo nang pakawalan dahil hindi mo alam kung paparahin niya ulit ang jeepney mo sa susunod na araw..

Hmmm, sana cute yung pumara saken… =)

THE DARK KNIGHT RISES

Posted: August 4, 2012 in I Recommend

Pare astig nitong movie na ito. Uulitin ko to sa sinehan! Kahit ako na lang mag-isa OK lang. Grabe lang, pagkauwi ko napanaginipan ko pa tangina lang. Kaso nga lang parang may kulang eh, ang pagkakaalam ko buhay pa si Joker eh, di’ba? Kaso mukhang nahirapan talaga ang hollywood na maghanap ng panibagong artista para gumanap na Joker. Bata pa lang ako paborito ko na talaga ang palabas na Batman, hinding-hindi ko pa makakalimutan ang theme song ng Batman, yung nananana nananananana nananana. Hahaha, nga pala, si John Blake ba ang gaganap na Robin? Ang alam ko iba ang real name ni Robin eh. Pero ito lang na sure ako, meron pang kasunod yan! Hindi pwede hanggang dun na lang yun di’ba? Hehehehe!

Ito nga pala yung scene na pinakapaborito ko. Dahil alam kong makakabawi na si Batman kay Bane. Anyway, ayaw ko namang i-spoil ang movie. Kasi alam ko marami pang hindi nakakanood nitong movie na ito. Ang masasabi ko lang talo sa suntukan si Batman kay Bane. Hahahaha!

THE TEN CONYO-MANDMENTS

Posted: August 4, 2012 in Mga Wala Lang

Just saw this from a forum that I used to be a moderator.

You are so panget when you make that simangot face.

1. Thou shall make gamit “make+pandiwa“.
ex.
“Let’s make pasok na to our class!”
“Wait lang! I’m making kain pa!”
“Come on na, we can’t make hintay anymore! It’s in Andrew pa, you know?”

2. Thou shall make kalat “noh“, “diba” and “eh” in your pangungusap.
ex.
“I don’t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba… it’s like, so eew, diba?”
“What ba: stop nga being maarte noh?”
“Eh as if you want naman also, diba?”

3. When making describe a whatever, always say “It’s SO pang-uri!
ex.
“It’s so malaki, you know, and so mainit!”
“I know right? So sarap nga, eh!”
“You’re making me inggit naman.. I’ll make bili nga my own burger.”

4. When you are lalaki, make parang punctuation “dude“, “tsong” or “pare
ex.
“Dude, ENGANAL is so hirap, pare.”
“I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh”

5. Thou shall know you know? I know right!
ex.
“My bag is so bigat today, you know”
“I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!”

6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.
ex.
“I have so many tigyawats, oh!”

7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex.
“Like, it’s so init naman!”
“Yah! The aircon, it’s, like sira!”

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex.
“Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?”
“It’s so tight nga there eh, you know, masikip?”

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?”
ex.
“Like, OMG! It’s like traffic sa LRT”
“I know right? It’s so kaka!”
“Kaka?”
“Kakaasar!”

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have, so it’s like so much full effect!
ex.
“I’m, like, making aral at the Arrhneo!”
“Me naman, I’m from Lazzahl!”

My Opinion

Now let’s talk, ano ba talaga ang CONYO? Anak mayaman o feeling mayaman? And why do they discriminate the “lower class“? Based sa mga naririnig ko from their “haters” ganun daw ang mga CONYO. Siguro naman hindi lahat di’ba? Well some of them, oo, sobra kung dumada kapag may mga “lower class” silang kasama. Or, yun nga, ayaw nila kumain sa mga cheap fast foods, kasi nga, cheap. And they speak on purpose when “lower class” people are around. They show off the Gerbaud’s and the La Coste (and I mean show off).

Pero yung iba naman ok lang naman sa kanila. Depende na lang talaga sa tao minsan. Siguro yung mga ganung tao eh yung mga tipong spoiled sa buhay na hindi man lang nakakaranas ng gutom o hindi man lang pinagpapawisan. Meron din naman ako mga friends na pag hindi mo sila kilala, CONYO talaga ang made-describe mo sa kanila. Pero once na makilala mo sila, katulad mo din naman pala.

Ang ayoko lang talaga sa kanila (lalo na yung mga babae) sobrang NAKAKAIRITA kapag nag-uusap. parang ganito:

“Hay nako, I saw this guy… and he was like… you know.. like.. like like like like.. kayaaa!”

Eh paano naman yung mga lalaking CONYO? Sometimes CONYO boys are so gay di’ba? Hahahaha. Mostly sa mga girls lang talaga ito at mas nakakatuwa pa when they act so maarte pero chaka naman ang mukha. Hahaha, pero conyo boys? GAY.

Sabihin na natin hindi lahat ng CONYO ay mahangin. But the fact na some of them eh pinamumukha nila sa iba yung kayabangan nila and that’s the issue. Walang problema sa pagiging mayaman, pero kung iiwasan ka nila at mag-eenglish speaking sila sa harap ng mga “lower class” simply because ayaw nilang madikit sa “lower class“, yun ang problema.

 

First Time

Posted: August 3, 2012 in Mga Wala Lang

Ang lugar kung saan ko unang ginawa ang blog.

CABAL Online

At ayun first time ko mag blog, dahil sa sobrang tagal ng dinadownload ko dito sa BK at nakiki WI-FI lang ako. Infairness OK din naman yung pwesto ko dito dahil nakatapat ako sa labas kaya kita ko mga dumadaan lalo na mga chicks na taga AC. Lols, napaghahalataan, anyway astig din pala WI-FI ng BK huh sobrang bilis yun nga lang kaya matagal kasi sobrang laki ng dinadownload ko, yung CABAL Online na game. 2GB siya actually pero 1 1/2 hrs ko lang siya dinadownload. Kung sa bahay ko pa gagawin to sure ball dalawang araw ang aabutin ko neto, hahaha.

New Port

Tas meron pang dalawang babae sa tabi ng table ko kanina na inaalok ako ng Condo, sabi ko hindi ako interasado, nanay ko yung naghahanap ng Condo hindi ako. Wala pa ring kawala at nakuha pa rin nila yung e-mail ko at number ko. Pagtingin ko sa flyer ang ganda ng Condo, yun yung New Port yata yun sa may Pasay. Kaya humingi na rin ako ng flyers tsaka binigyan na rin nila ako ng dalawang calling cards. Chicks din yung isa kaso yung isa hindi, olats eh.

Voila!

Update update na rin ng drivers, oo nga pala mga isang oras yata akong nakatitig sa laptop kanina dahil di ko alam kung anong i-dadownload ko. Pag sa bahay dami kong naiisip na gustong i-download di ko lang magawa dahil sobrang malaki yung mga files. Buti na lang naalala ko yung CABAL Online, pagkatapos nito hindi ko alam kung anong susunod na i-dadownload ko.

Gomu Gomu No

Sa wakas nakaisip din ako ng pampawala ng boring ko, nagbasa ako ng manga ng One Piece. Mga isang oras ko din ginawa yun habang nakikinig ng tugtog sa Youtube. Kaso pag nakikinig ako ng mga kanta sa Youtube inaataki ako ng antok! Bumabagsak bigla yung ulo ko at napapapikit yung mata ko.

“Tech”

Anong meron at bumabagal yung WI-FI?? Syempre basic troubleshooting disconnect at reconnect lang yan para ma-refresh. Dahil nasa 100+ na lang ang CPS ko. Kanina sa sobrang bilis di ko napigilang i-print screen at i-post sa Facebook yung larawan. Kasi ba naman umaabot sa 400+ ang CPS ng download ko. Para sa mga hindi na nakakaalam ‘Copy per second’ po ang CPS.

Addicted?

Hahaha nakaka-enjoy pala mag type no? Lalo na pag galing sa isip mo. Kasi lalong bumibilis ang pag type ko sa Laptop ko pag galing sa isip ang tinatype ko. Kaya pagkatapos nitong first blog ko baka masundan pa ng marami. Mahilig din kasi akong magtype. Atleast hindi ako mukhang naglalaro sa Laptop ko ngayon kasi type ako ng type hahaha. Partida pag may dumaan na maganda nakatingin ako sa kanya pero tuloy pa rin ako ng pag type. Naka Earphones pa ako nyan. Ika nga ‘It’s me already’ hahaha.

Kelangan ko mag Youtube dahil ang papangit ng mga tinutugtog dito sa Bk. Lalong nakakaantok, kaya ang mga tugtugan ko ngayon sa Youtube ay Gloc-9. Astig naman di’ba?

Disclaimer

Yung susunod ko nga pa lang i-popost ay hindi galing sa’kin. Napulot ko lang na napakatagal nang panahon. Pero nakakatuwa siya basahin. Hehehe. 27mins na lang ang natitira at tapos na dinadownload ko.